Oct 28 2021 02:24 PM “Simbolo ng kalayaan.”Ganito inilarawan ng dating “Pinoy Big Brother” housemate at trans man na si Jesi Corcuera ang pinagdaanang operasyon sa kaniyang dibdib.
Sa kaniyang Instagram account, proud na ipinakita ni Corcuera ang kaniyang surgery scars sa nakalipas na operasyon na labis umanong nagpasaya sa kaniyang sarili.“Hindi maitagong ngiti.
Mga ngiti na walang katumbas na halaga. Maaring hindi niyo maintindihan ang sayang aking nararamdaman. Pero sa likod ng mga hiwa sa ilalim ng aking dibdib 'yan ang simbolo ng aking kalayaan,” saad nito sa caption.Ayon kay Corcuera, ang ginawang operasyon ay isa ring kalayaan sa panghuhusga sa mga katulad niyang matapang na inilahad ang kanilang tunay na pagkatao. “Kalayaan sa.