TABACO CITY, Albay — Isang samahan ng mga miyembro ng LGBT community dito ang naghatid ng kanilang tulong para sa mga frontliners na tumutugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).Umabot sa 800 face masks ang nagawa ng grupong Tabak Sangre para sa mga health workers ng lungsod.
Ayon sa presidente ng Tabak Sangre na si Phem Baliwag, ito ang kanilang paraan para makapag-ambag sa pagpuksa sa pagkalat ng COVID-19.