Nov 14 2021 09:34 PMMAYNILA — Patok ngayon social media ang mala-beauty queen na pagrampa ng ilang netizens sa vaccination sites kamakailan.
Isa na rito ang Fern Pitacio o mas kilala bilang Luzviminda Extravaganza mula sa Isabela na nais manghikayat sa publiko na magpabakuna na.“Ako ang rampadora, raketera ng San Mariano at nagsasabi sa inyo na magpabakuna na,” ani Pitacio. “Biglang gulat po ‘yung mga nurses, mga frontliners, and then ‘yung mga tao po na nagpapa-vaccine, so yung mga mukha po nilang medyo malungkot noong una, ngumiti na po sila,” dagdag pa niya.Ayon kay Pitacio, matindi ang diskriminasyong naranasan niya sa gitna ng COVID-19 pandemic na kaniyang naigpawan sa tulong ng kanyang pamilya at mga kaibigan. “As a part of the.