Jan 07 2021 03:49 PM | Updated as of Jan 07 2021 04:03 PMKaliwa't kanang mga komento ang nagkalat sa social media matapos ang pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.Sa ilang posts, sinisisi ng ibang social media users ang biktima sa kagustuhan umano nito sa nangyari.
Hindi rin daw dapat siya pumunta sa party at nakipag-inuman kasama ang mga lalaki.May ilan namang binatikos ang mga kasamahan ni Dacera na umano'y mga nanghalay sa biktima.Ayon sa mga eksperto, nailabas ng kuwento ni Dacera ang malaking kakulangan sa kaalaman ng publiko hinggil sa rape culture at gender equality."Bakit, dahil babae siya?
Dahil single siya? Dahil maganda siya? Dahil 'yong mga pictures na lumabas sa kaniya medyo sexy 'yong dating? Think about it,.