Aug 20 2021 05:35 PMSa kabila ng pagganap sa iba’t ibang klaseng karakter sa pelikula at teleserye, nais pa rin ng premyadong aktor na si Paulo Avelino na sumubok ng mga bago pang roles na hindi pa niya nagagawa -- kagaya ng pagiging transgender.
Sa kaniyang panayam kay G3 San Diego, inamin ni Avelino na lagi nitong sinusubukan tumanggap ng mga proyekto na susubok sa kaniyang kakayahan bilang isang aktor. “I tried to look for something different all the time.
If it's violence that I've done before parang ayaw ko na gawin 'yan, nagawa ko na. So, I look for something special that I could add to the character. 'Yun naman ang laging reason ko when accepting a role,” ani Avelino. “As long as it’s something I haven’t done in the past, as long as.