Dec 27 2021 12:36 PMMANILA -- Ilang linggo matapos ang balita tungkol sa kanyang bagong pag-ibig sa kapwa babae, inamin na ng mang-aawit na si Sheryn Regis na isa siyang lesbian.
Naging bukas ang tinaguriang "Crystal Voice of Asia" tungkol sa kanyang tunay na pagkatao sa pinakabagong ng manunulat sa showbiz na si Ogie Diaz. "Alam ko na sa puso ko [ay] bahagi ako ng LGBTQ.
It's just that I started living with a man when I was 18 years old. 'Yun ang time na may realization ko na iba ang feeling ko, iba ang nararamdaman ko," aniya.Pag-amin ni Regis, ang pagsunod sa kanyang magulang ang dahilan kung bakit hindi niya agad nagawang maging totoo sa sarili noon."So pumasok ako sa show business na, 'Ito si Sheryn, may asawa.