Mar 09 2021 03:24 AMHalos 400 na healthcare workers sa Pampanga ang nabakunahan laban sa COVID-19 sa pag-rollout ng Sinovac vaccines sa lalawigan nitong Lunes.Unang binakunahan ang hepe ng Jose B.
Lingad Memorial Regional Hospital sa San Fernando City na si Dr. Monserrat Chichioco."Being the first to be vaccinated, ang masasabi ko, hindi po siya masakit at ang purpose po ng bakuna ay para ma-prevent po pagkalat ng COVID-19 at severe infection, and of course, death," ani Chichioco.Nasa 400 na health workers ang sumunod sa kaniya.
Target pang bakunahan ang nasa 450 na health frontliners sa 3 ospital sa Pampanga, kabilang sa Angeles City.Naging maganda umano ang pagtanggap ng mga taga-Pampanga sa bakuna. "Hindi po magiging successful ang.