Aug 09 2020 08:57 PMNoong , ipinakilala ng “Iba Yan” ang mga kwento ng mga drag artists mula sa Drag Playhouse Philippines.Ikinuwento nila ang kanilang mga karanasan bilang miyembro ng LGBT community at kung paano sila naapektuhan ng coronavirus pandemic.Higit pa diyan, malugod nilang ibinahagi ang makulay nilang mundo kung saan ipinasilip nila ang lalim ng kanilang pagmamahal sa kanilang sining.Sa pamamagitan ng ABS-CBN at ng “Iba Yan,” idinaos din nila ang “Kinang: An Online Celebration of Philippine Drag.”Sa pinakahuling episode ng “Iba Yan” ngayong Linggo, ibinahagi ni Angel Locsin kung ano ang naging epekto ng kanilang pagbabayanihan.Ayon kay Locsin, kumita ang “Kinang” ng halos P300,000 mula Agosto 2 hanggang Agosto 6, at patuloy pa.