Sep 03 2020 01:20 PM | Updated as of Sep 03 2020 01:21 PMPinangangambahan ng pamilya ng Pilipinang transgender na si Jennifer Laude na tuluyan nang makalabas ng kulungan ang Amerikanong sundalo na na-convict sa kaniyang pagpatay.
Dapat na manatili si US Marine Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton sa kulungan habang hindi pa nareresolba ang motion for reconsideration na layong mabaligtad ang utos ng korte kamakailan para makalaya siya dahil sa good conduct time allowance (GCTA), ani Virgie Suarez, abogado ng pamilya Laude. “Dapat walang galawan,” aniya sa panayam ng TeleRadyo.