MAYNILA — Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Sarah Geronimo sa pamamayagpag ng awitin niyang "Tala," na inilabas noon pang 2016 pero ngayon lamang sumikat nang todo.
Sa panayam kay Sarah nitong Linggo matapos ang "Grand Tala Day" sa "ASAP Natin 'To," ibinahagi niyang pangarap lang niya noong maging dance craze ang "Tala.""Ang galing eh.
I would say hindi siya naging expectation. I was hoping na maging dance craze ito when I recorded [it]... Sabi ko, wow, power of manifestation,