Dec 14 2020 08:10 AMMAYNILA - Sugatan ang isang 26-anyos na babae matapos bugbugin ng isang miyembro ng LGBT community sa Tondo, Maynila.Kuha sa CCTV ang pagdating ni Rona sa Lualhati Street na nakaangkas sa isang motorsiklo.
Pagbaba, kitang nilapitan siya ng suspek na inireklamo sa pananabunot at pananakit.Ayon sa biktima, nakipagsagutan siya sa suspek nang kutsain umano siya habang naglalakad.Dati niya na rin umanog inireklamo sa barangay noong 2016 pa ang miyembro ng pamilya ng suspek dahil din sa pananakit.Ayon kay barangay chairman Ana Beltran, nakainom ang suspek nang mangyari ang pambubugbog.--Ulat ni lady Vicencio, ABS-CBN News.