Oct 23 2020 03:51 PMIba-iba ang naging reaksiyon sa pahayag ni Pope Francis hinggil sa same-sex civil union.May mga natuwa at mayroon ding tumututol.
Pero handa na nga ba ang Pilipino sa same-sex union?Para sa isang family law expert na si Soledad Mawis, hindi pa handa ang mga Pinoy sa same-sex union.Bagama't marami nang isinusulong na batas para sa LGBTQ+ community, naniniwala si Mawis na tradisyonal pa rin ang mga Pinoy kaya hindi pa ito masyadong tanggap.Giit ni Mawis dapat proteksiyonan ang nasa same-sex partnership at dapat magkaroon ng batas sa co-ownership lalo’t hindi kinikilala ng batas ang same-sex marriage.“Dapat paghandaan 'yan dahil itong mga tao naman ay nagmahal din po.